KINUMPIRMA ni Dr. Eric Tayag sa isang panayam na siya ay itinalaga bilang “undersecretary” ng Department of Health (DOH) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ginawa rin ni Tayag ang pahayag bilang paglilinaw sa gitna ng mga kumakalat na balita sa social media na siya ay itinalaga bilang bagong kalihim ng ahensiya.
Nakatakda aniyang ganapin ang kaniyang “oath of office” sa susunod na linggo bilang bagong undersecretary ng DOH.
Si Tayag ay matagal nang nagsisilbi sa DOH at nakilala siya sa pagiging “Dancing Assistant Secretary” na ginagamit ang pagsasayaw upang mapalakas ang iba’t-ibang kampanya ng DOH.
Hiningan naman ng reaksyon si DOH Officer in Charge Usec. Ma. Rosario Vergeire sa appointment kay Tayag ngunit wala pa itong tugon.

