Archbishop Yllana, itinalagang bagong Apostolic Nuncio sa Israel at Cyprus

MAY bago nang Apostolic Nuncio sa Israel at Cyprus sa katauhan ni Archbishop Adolfo Tito Yllana.

Itinalaga rin ni Pope Francis ang Arsobispo bilang Apostolic delegate sa Jerusalem at Palestine.

Papalitan ng 73 anyos na Arsobispo si Archbishop Leopoldo Girelli na itinalaga ngayon bilang Apostolic Nuncio sa India noong Marso.

Si Archbishop Yllana ay tubong Naga City at  kasalukuyang Apostolic Nuncio sa Australia mula pa noong 2015 at naging kinatawan sa apat na kontinente ng Africa, Asia, Europe at Oceania.

Kinikilala naman siya ng Simbahang Katolika na isa sa tatlong nuncios na aktibo sa serbisyo.

Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa Ecclesiastical Academy. Pumasok siya sa diplomatic service noong 1984 sa Holy See.

Nagtapos din siya  bilang Doctor of Both Laws sa Pontifical Lateran University of Rome.

Bago naging obispo noong 2002, naging Apostolic Nuncio muna ito sa Papua New Guinea noong 2001.

Taong 2006 naman ng italaga siya ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio sa Pakistan at Apostolic Nuncio sa Democratic Republic of Congo noong 2010.

(PHOTO CREDIT: cbcpnews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.