Breaking News

Share this information:

BINALAAN ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online seller na nagbebenta ng mga gamot, food supplement at gamit medikal.

Ang babala ng nabanggit na mga ahensya ay sa gitna ng  naglipanang mga produktong medikal na lantarang ibinebenta sa social media at mga shopping applications.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, kailangan na may physical o aktuwal na tindahan ang online seller at lisensiyado ang mga nagtitinda.

Partikular na tinukoy ni Usec. Castelo ang Marketplace ng Facebook na ginagamit ng mga fly-by-night o mga hindi awtorisadong mga negosyante upang magbenta ng mga gamot na hindi alam kung lehitimo o peke.

Sinabi naman ni  Dr. Melissa Guerrero ng DOH na dapat may aktuwal na tindahan at lisensyado ng Food and Drug Admiinistration (FDA) ang mga nagtitinda online  para masiguro na lehitimo ang mga ibinebentang produkto.

Dapat din umanong matiyak na may lisensyadong pharmacist na nangangasiwa o sumusuri sa anumang ibinebentang mga gamot, food supplement at ang tindahan nila ay maaaring mainspeksyon ng mga awtoridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: