Diyosesis sa Eastern Visayas at Caraga, nakahanda sa bagyong Odette

NAKAHANDA na ang mga Diyosesis sa Eastern Visayas at Caraga sa pag-landfall ng bagyong Odette.

Our Caritas Catarman with Catholic Relief Services are on standby for relief services. The province and local government unit have drill in disaster reduction preparedness and early warning,” pahayag ni Catarman Bishop Emmanuel Trance sa Radio Veritas.

Bukod sa paghahanda, sinimulan na rin sa diyosesis ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat laban sa sakuna.

Iniulat naman ni Diocese of Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na kasalukuyan nang nararanasan sa diyosesis ang hangin at pag-ulang dulot ng bagyo bagamat nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dalangin ni Bishop Almedilla na nawa’y maligtas ang bawat isa at hindi magdulot ng matinding pinsala ang Bagyong Odette sa Caraga at iba pang bahagi ng bansa.

May we be secure in Your loving protection, and in our concern and care for one another and for the whole of creation. Help us to seek Your will in all our experiences, that we may be faithful stewards of all Your gifts with grateful hearts,” panalangin ni Bishop Almedilla.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papasok ng PAR ang Bagyong Odette mamayang gabi o Miyerkules ng madaling araw.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph habang kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 10 kph.

Inaasahan din ang pagiging typhoon category ng Bagyong Odette bago pa ito mag-landfall ngayong Huwebes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.