Bong Go, iniatras ang kandidatura sa pagka-pangulo; Duterte, hindi na din tatakbo bilang senador

PERSONAL na naghain ng kanyang withdrawal of candidacy sa pagkapangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila si Senador Bong Go.

Ang senador ay dumating sa Palacio del Governador sakay lamang ng isang taxi gayundin sa kanyang pag-alis.

Ayon kay Go, walang nakakaalam sa kanyang pagtungo sa Comelec kundi si Pangulong Rodrigo Duterte lamang upang hindi Ito dagsain ng mga tao.

Sa isang maikling panayam, sinabi ng senador na matagal na niyang napagdesisyunan ang pag-atras sa presidential race.

Humihingi naman ito ng pag-unawa mula sa kanyang mga taga-suports sa kanyang naging desisyon.

Sinabi ng senador na mahal na mahal niya ang sambayanang Pilipino at kahit umatras Ito sa pagkapangulo ay maaari pa rin naman siyang tumulong.

Hiniling din nito sa sambayanan na tulungan na lamang sila ng pangulo na pumili ng susunod na Presidente  na maaaring makapagpatuloy sa mga nasimulan ng administrasyong Duterte.

Si Go ay sinabayan ng mga motorcycle riders sa kanyang paglisan mula sa Comelec.

Ilang oras naman makatapos umatras si Go, pormal na ring umatras si Pangulong Duterte sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa Halalan 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.