DOH, nagpa-alala sa publiko tungkol sa kahalagahan ng “booster shots”

Share this information:

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH)  ang publiko hinggil sa kahalagahan ng pagpapaturok ng booster shots.

Sa isang abiso na inilabas ng DOH, inaasahang mas marami na ang face-to-face exposure ngayon sa trabaho at social gatherings kaya mas kailangan ang booster shots.

Bukod dito, may banta pa rin ng COVID-19 variants, lalo na ang pinangangambahang Omicron variant.

Ayon pa sa DOH, dapat nang magpaturok ng booster shot sa oras na pwede na silang maturukan o anim na buwan makalipas ang kanilang 2nd dose, partikular para sa mga naturukan na ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Sputnik vaccines, habang tatlong buwan naman para sa mga naturukan ng Janssen.

Ligtas naman umanong gamiting bakuna ang AstraZeneca, Moderna at Pfizer bilang booster.

Kailangan lang na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para makapagpa-book ng iskedyul para sa booster.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.