NANGUNGUNA pa rin ang lungsod ng Davao sa mga lugar na nakapagtatala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.
Sa monitoring report ng Octa research, nasa average 303 cases kada araw sa Davao City mula noong buwan ng June 29 hanggang nitong araw ng Lunes, July 5, 2021.
Ibig sabihin, ikinukunsidera pang “high risk” area ang lungsod.
Bukod sa Davao City, high risk areas din ang Bacolod City, Iloilo City, General Santos City, Baguio City, at Tagum City.
Samantala, ang Metro Manila naman ay itinuturing na moderate risk kung saan naitala ang 644 average cases sa nakalipas na pitong araw.
Mas mababa ng limang porsyento sa nakalipas na dalawang linggo. Sa buong Pilipinas naman ay naitala ang daily average na 5,451 na bagong kaso kada araw na mas mababa ng tatlong porsyento kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.