Breaking News

Share this information:

ISASAILALIM sa “validation” ang vaccination cards ng mga fully vaccinated returning overseas Filipino workers (OFWs) ng  Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Ito ang inianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Martes.

Base sa IATF Resolution No. 123-C, item no. 3(ii),  sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello na ang mga OFWs na fully vaccinated sa bansa o sa hurisdiksyon sa labas ng bansa ay dapat bitbit ang opisyal na dokumentasyon ng pagkumpleto ng kanipang bakuna o kanilang  International Certificate of Vaccination na validated ng  POLO.

Bukod sa vaccine card o anumang dokumento na nagpapakita ng katunayan ng pagbabakuna, ang mga returning OFWs ay kailangang magpakita ng valid passport  o travel document  at beripikadong employment contract sa POLO offices sa kanilang host country.

Ang aplikasyon para sa validation ay ginagawa sa pamamagitan online via ONEHEALTHPASS PORTAL, na accessoble sa   https://www.onehealthpass.com.oh/e-HDC/

Sa ilalim ng DOLE Department Order No. 226 series of 2021, ang mga OFWs na kinokonsidera bilang “fully vaccinated” ay yaong mga indibidwal na nakatanggap ng higit sa o katumbas ng dalawang linggo matapos matanggap ang pangalawang dose ng bakuna ng COVID-19 sa serye na 2-doses; o higit pa sa o katumbas ng dalawang linggo matapos makatanggap ng isang dose na bakuna. 

Kailangan ding kabilang sa napagkalooban ng  Emergency Use Authorization (EUA) Compassionate Special Permit mula sa  Philippine Food and Drug Administration o Emergency Use Listing ng  World Health Organization ang mga indibidwal na nabakunahan.

Nauna nang inaprubahan ng IATF sa pamamagitan ng  Resolution Nos. 123-C at 124-A, Series of 2021 ang implimentasyon  ng pinaikling facility-based quarantine para sa inbound  fully vaccinated na Filipino.

 “This includes OFWs who stayed exclusively in “Green” countries or jurisdictions 14 days before arrival in the Philippines, effective July 1, 2021,” ayon sa anunsyo ng labor department.

Nilinaw naman ng Department of Health na ang green countries  o hurisdiksyon na itinuturing na “low risk” ay base sa  IATF evaluation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: