Breaking News

Share this information:

NASAWI ang isang 34-anyos na Quality Control staff ng isang construction company nang mabagsakan ito ng isang concrete slab sa kanyang ulo habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa site sa loob ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kawit, Cavite.

Dinala pa sa Binakayan Hospital ang biktimang si Randy Panao Serceña, isang Quality Control staff sa Tokwing Construction Company subalit namatay din ito habang ginagamot.

Sa ulat ni PMSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Police Station, nagsasagawa ng concrete sampling inspection ang biktima sa Building 9 ng Melbuilt company sa loob ng First Orient International Venture sa Brgy. Puborista, Kawit dakong alas-8:00 kamakalawa ng umaga nang mahulog ang isang slab na may bigat na 4.5 kilogram mula sa pagkakakabit nito sa flooring sa 11th floor at bumagsak sa kanyang ulo.

Ayon kay Clerigo, walang suot na hard hat ang biktima nang naganap ang insidente.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay din ito dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: