Breaking News

Share this information:

ANG COVID-19 vaccination site para sa bayan ng Samal, Bataan ay halos kumpleto na at handang-handa nang magamit para sa mga residente ng bayan.

Binisita naman ni Samal Mayor Aida Macalinao ang inihahandang vaccination area para sa bayan. Kasama niya sa inspeksiyon si Samal Vice Mayor Jun Espino at ang mga Municipal Health Office personnel para sa pag-uumpisa ng vaccination laban sa COVID-19.

“Halos kumpleto na at tapos na ang ating vaccination area na nakalugar sa ating covered court na katabi ng pamilihang bayan,” pahayag ni Mayor Macalinao. 

Ngayong nakahanda na ang naturang pasilidad ay dito na isasagawa ang pagpapabakuna ng mga Samaleño sakaling dumating na ang mga bakunang nakalaan para sa 11 bayan sa Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: