COVID-19 booster jab rate sa Pilipinas, bumubuti na ayon sa DOH

SINABI ng Department of Health (DOH) na bumubuti na ang kabuuang antas ng pagbabakuna ng COVID-19 booster sa Pilipinas.

Dati po nag-a-average lang tayo ng mga 50,000-60,000 per day. These past few days nag-a-average po tayo ng 180,000-190,000 per day and that’s a good indication,” sabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire.

Pero kapag tiningnan na at kinalap na sa buong bansa, makikita na may kabagalan pa rin bagaman nakikita na napaka-intensive na ang pagsisikap sa grounds.

Sinabi ni Vergeire na kailangan lamang hikayatin ang ating mga kababayan dahil nariyan na ang bakuna.

Sinabi ni Vergeire na ang gobyerno ay masigasig sa pamamahagi ng unang booster doses sa mga nangangailangan nito bago magbigay ng pangalawang boosters sa mas maraming populasyon ng Pilipino.

Tapusin muna natin itong first booster natin. Kailangan makumpleto natin yung first booster habang inaantay natin yung ebidensya na ang 2nd booster is effective also and is going to be of quality at makakaprotekta para sa ating rest of the population,”sabi pa ng DOH OIC.

Noong Agosto 11, humigit-kumulang 1.3 milyong tao ang nakatanggap ng kanilang unang COVID-19 booster shot sa ilalim ng kampanyang “PinasLakas” ng pamahalaan.

Ang kampanya ng PinasLakas ay naglalayong magbigay ng COVID-19 booster shots sa 23 milyong karapat-dapat na indibidwal sa loob ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.