Coast Guard, kasama na sa pagpapatupad ng batas-trapiko

Share this information:

Makakatuwang na ng ilang ahensya ng gobyerno ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatupad ng batas trapiko sa kalsada.

Ito ay kasunod ng isinagawang formal turn–over ng PCG sa Interagency Council for Traffic (IACT) ang karagdagang 39 na Coast Guard personnel na kabilang sa 463 na recruit (CGMC Class 79) na nakatapos ng Basic Coast Guardsman Training Course sa PCG Regional Training Center sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Oktubre 2020. 

Sa pangunguna ni IACT Chief, Assistant Secretary Manuel Gonzales at suporta ni PCG Deputy Commandant for Operations, Vice Admiral Leopoldo Laroya, inihanda ang mga bagong miyembro ng PCG sa kanilang deployment bilang katuwang ng IACT, Land Transportation Office (LTO), at Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP – HPG) para tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at biyahero araw-araw.

“Marahil naiisip ninyo: Coast Guard kami, bakit kami magseserbisyo sa kalsada? Mind you, men in uniform work in all kinds of environment. We, at the armed services, are one being. There are a lot of challenges and temptations that you will face once you are deployed, but I am confident that you will overcome them,” ani Gonzales. 

Hinikayat naman  ng IACT Chief ang mga bagong kinatawan ng konseho na isabuhay ang “core values” ng IACT — Integrity, Authority, Commitment, at Team Work. 

“Bago kayo sumabak sa operasyon, ihahanda namin kayo. You will be trained and introduced to road regulations and policies. Sa oras na ma-deploy kayo, maraming mag-a-alok sa inyo ng pera. But I tell you, stay true to the value of integrity for this is a crucial obligation of every member of the Council,” ayon pa kay Gonzales.

Liban kina Asec. Gonzales at Vice Adm. Laroya, nakibahagi rin sa turn-over ceremony sila Vice Adm. Oscar Endona ng Coast Guard Maritime Security Command, Deputy Director Roberto Valera ng LTO Field Enforcement Division, at Police Lieutenant Colonel Kimberly Molitas ng PNP – HPG.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Certifying green buildings in the PH market

Wed Jan 27 , 2021
Recently, Italpinas Development Corporation (IDC) was cited in “Green Buildings: A Finance and Policy Blueprint for Emerging Markets”. Published by the International Finance Corporation (IFC), this report features best practices by investors and financiers, governments, developers, and owners to provide an investment blueprint for green buildings across emerging markets.  IDC […]

Follow Us

%d bloggers like this: