3,000 dayuhan, pinalayas sa PH

Share this information:

UMABOT sa 3,000 mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Law, ayon sa Bureau of immigration.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese (60) habang 40 ang Koreans, 25 ang mga Americans, 20 ang Japanese, 12 ang Indians, at Pakistanis (5).

BI Commissioner Jaime Morente disclosed that Chinese deportees, who totaled 3,009, comprised the bulk of the 3,219 aliens who were sent out in 2020.

“Deported aliens are automatically placed in our blacklist, and are banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.

Sinabi nito na karamihan sa mga pinabalik na mga dayuhan ay inaresto dahil sa walang working permit, involvement in unauthorized online gaming operations, telecommunications fraud, economic crimes, investment scams, at cybercrime activities.

“We have arrested big batches of aliens in the past years through joint operations of BI operatives with other local law enforcement agencies,” dagga pa ni Morente.

Ipinaliwanag ng BI Chief na dahil na nangyaring pandemic ang bilang ay bumaba noong nakaraang taon kumpara sa mahigit na 6,000 na pinaalis noong 2019.  “This was a result of travel restrictions imposed by the government, wherein very little number of aliens were able to enter the country,” ayon pa sa BI Chief.

Dagdag pa ng BI Chief na ang mga dayuhan ay pinauwi ng BI Board of Commissioners dahil sa iba’t-ibang paglabag tulad ng overstaying, working without permit, illegal entry, at pagiging undocumented.

“Some of them are wanted fugitives whose arrest and deportation was sought by governments of the countries where they have been charged or convicted for various crimes,” ayon pa kay Morente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Coast Guard, kasama na sa pagpapatupad ng batas-trapiko

Tue Jan 26 , 2021
Makakatuwang na ng ilang ahensya ng gobyerno ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatupad ng batas trapiko sa kalsada. Ito ay kasunod ng isinagawang formal turn–over ng PCG sa Interagency Council for Traffic (IACT) ang karagdagang 39 na Coast Guard personnel na kabilang sa 463 na recruit […]

Follow Us

%d bloggers like this: