Kahit hindi taga-Maynila, maaaring magpabakuna sa lungsod

Share this information:

Maaari din umanong magpabakuna sa Maynila ang mga hindi nakatira sa lungsod lalo na kapag mga nagta-trabaho o frontliners na nagdodorm sa Maynila.

Ito ang sinabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa isinagawang media forum ng Department of Health (DOH).

“Pag non-Manilan at  dito naka-dorm ang frontliners, suggestion  namin ay gamitin nila yung place of work as their residence,” ayon pa kay Lacuna-Pangan.

Bagamat pinag-uusapan pa lamang aniya  nila kung isasama sa website ang non-Manilans, welcome naman aniya sila kung gusto nila sa Maynila magpabakuna.

Samantala, sa pag-iikot  aniya ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod  sa Maynila, may mga namimili umano ng bakuna na dapat iturok sa kanila.

Pero, sinabi ni Lacuna-Pangan na tulad ng sinasabi ni Manila Mayor  isko Moreno Domagoso na kung ano ang maunang dumating na bakuna ay yun ang kanilang i-avail.

Sakali naman umanong magback-out ang isang indibidwal ay  mapupunta na ito sa dulo ng listahan  kahit nakapagpapre-register pa sila at nakapirma na ng waiver. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.