HINIHIMOK ng Department of Health ang publiko na iwasan munang magdaos ng Christmas party kahit ang mga magkakamag-anak dahil sa panganib na muling tumaas ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makabubuting hindi muna mag-imbita ng ibang mga kamag-anak at tanging magkakasama sa bahay na lang ang magsagawa ng party.
‘Wag na muna magkaroon ng pagtitipon-tipon… ‘wag na muna magkaroon ng pagpunta sa kamag-anakan this coming holiday dahil ‘yan ay napaka-risky at maaring magdulot ng pagtaas uli ng kaso sa ating bansa,” ani Vergeire.
Hindi rin iminumungkahi ni Vergeire na gawing buffet style ng kainan.
“Party within the household lamang. Wag na muna buffet style na kainan,” dagdag nito.
Dapat din aniya ay napananatili pa rin ang minimum health standards tulad ng physical distancing kahit sa bahay.