Magat Dam, muling nagpakawala ng tubig; paglilikas, ipinatupad

MULING nagpakawala ng tubig ang Magat Dam ngayong araw.

Ayon sa National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System, nasa 786 cubic meters per second ang inilalabas na tubig mula sa dam.

Nagbukas ng dalawang metro ang Gate 4 ng Magat Dam at nagpakawala ng sobrang tubig na 393 cubic meters per second.

Nagbukas din ang Gate 3 ng isang metro kaninang alas-otso ng umaga at nagpakawala ng 179 cubic meter per second pero pagsapit ng alas-nueve ng umaga ay itinaas sa 393 cubic meters per second ang binuksang gate.

Nakararanas ng pag-ulan at thunderstorm dahil na rin sa epekto ng tail-end of a cold front at sa nararanasang Northeast Monsoon o amihan.

Nagpatupad na rin ng pre-emptive evacuation ang pamahalaang lokal ng Tuguegarao City sa barangay Linao at Annafuan dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Nauna nang nagpalabas ng flood warning notification ang National Irrigation Administration (NIA) at Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa ilang bayan Cagayan kabilang ang Tuguegarao City, Enrile, Solana, Amulung, Alcala, Gattaran, Lasam, Lallo, Camalaniugan at Aparri.

Nagbabala rin ang NIA sa ilang bayan sa Isabela kabilang ang Ilagan City, Tumauini, Delfin Albano, Cabagan, Santo Tomas, Santa Maria, at San Pablo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.