OPISYAL nang isinilbi ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang suspension order laban sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa problemang idinulot ng umano’y palpak nitong implementasyon ng cashless system na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.
Pinangunahan ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang pagbibigay ng kautusan matapos na maabot ng pangasiwaan ng NLEX ang ipinataw nitong deadline hangga’t alas-singko ng hapon.
Una rito, hindi naging katanggap-tanggap kay Gatchalian ang hirit ng NLEX management na mabigyan sila ng 15 araw na palugit upang resolbahin ang isyu ng Radio Frequency Identification (RFID) system sa tollways nito.
“We don’t want to cause more anxiety sa ating riding public,” ani Gatchalian.
Sa kabila ng suspension order, sinabi ng alkalde na patuloy pa ring madaraanan ang tollway ng NLEX ngunit hindi na sila pupuwedeng maningit ng toll.
“Ang nilalaman lang no’n (suspension order), number one, suspended na ‘yung business permit nila. Number two, itataas nila ‘yung mga barrier kasi tuloy ‘yung operations nila,” dagdag nito.