“Booster campaign,” opisyal na ilulunsad ng DOH sa Hulyo 26

OPISYAL na ilulunsad sa Hulyo 26 ng Department of Health (DOH) ang “Pinaslakas” o ang booster campaign kasama si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at mga local government units (LGUs).

Sa kauna-unahang face-to-face media forum na isinagawa sa tanggapan ng DOH, sinabi ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na layon nito na mabakunahan ang 90 porsyento ng target population ng senior citizen o yung nasa kategorya ng A2.

Gayundin, target ng kampanya na mabigyan ng booster dose ang 50 porsyento ng target population sa ika-100 araw ng bagong administrasyon.

Ayon kay Vergeire, gagawing available ang pagbabakuna sa mga palengke, lugar ng trabaho, paaralan, transport terminal, at iba pa.

Kaugnay nito, hinikayat ni Vergeire ang publiko na maging bahagi ng Pinaslakas campaign sa pamamagitan ng pagpapabakuna o booster shots para mas lalo pang lumakas ang immunity ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.