Mga bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19, natukoy sa maraming rehiyon sa bansa

SINABI ng Department of Health (DOH) na 816 pang bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 ang natukoy sa pinakahuling sequencing sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, lahat ng rehiyon maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay may natukoy na kaso ng BA.5 na subvariant.

Nasa 12 returning overseas Filipinos (ROFs) ang natukoy na tinamaan ng subvariant.

Samantala, kabuuang 42 pang kaso ng Omicron BA.4 subvariant ang naitala sa bansa.

Sa nasabing kaso, sinabi ni Vergeire na 10 ang mula sa Region 12,  mayroon namang siyam mula sa Region 11, sa Region 6 ay nakapagtala ng pito, tig-apat naman na kaso sa National Capital Region (NCR) at Region 5, tatlo mula sa  Region 4-A, at tig-isa sa Cordillera Administrative Region (CAR) at BARMM.

Sa nasabing subvariant, tatlo ang ROFs na nagpositibo.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang BA.5 at BA.4 subvariants ay hindi nagdudulot ng critical o severe infection at halos magkapareho sila ng mga katangian at hindi dapat maging anumang dahilan ng pag-aalala.

Kaugnay naman sa BA.2.12.1, sinabi ni Vergeire na mayroong 52 na bagong kaso na natukoy sa Region 3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, CAR, Caraga, at NCR.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.