INAASAHAN ng isang mambabatas na may malakas na mandato si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa kanyang legislative agenda para sa muling pagbubukas ng 19th Congress at kauna-unahang nitong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.
Sa kauna-unahang face-to-face forum sa Kapihan sa Manila Bay ngayong Miyerkules, sinabi ni Albay 2nd District Representative at incoming House and Means Committee Chairman Joey Salceda na ito ay dahil sa halos lahat ng lugar ay naipanalo ng Pangulo maliban sa dalawang rehiyon.
Bukod pa rito ay ang tradisyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ukol sa Malayan supremacy.
“And given the tradition of his father about a Malayan supremacy I think we would expect that Marcos Jr we can not do no less, so he will use that podium essentially to articulate a vision of a ground national ambition,” tinuran ni Salceda
“So he can not be less ambitious given the mandate and given what is necessary for the Philippines to compete in a very challenged world. So he has to mobilize the Pilipino spirit so to speak,” dagdag pa niya.
Aniya, ang uunahin niya syempre ay tutukuyin ng Pangulo ang tatlong pinakamalaking hamon, kabilang rito ang interest rate na aniya ay isang pinakamalaking hamon, pangalawa ay ang giyera ng Ukraine at Russia at ang paghinay-hinay sa China.
Gayunman, marami naman aniyang paborable maliban sa kanyang mandato dahil mayroon itong “strong at best cabinet.”
“I have seen a strong cabinet, the best cabinet in my entire political life eversince I’ve started to vote,” paliwanag ng mambabatas.
Gayundin naman, sinabi ni Salceda na sa kauna-unahang pagkakataon, ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ay mula sa iisang partido lamang matapos ang mahabang panahon kung saan kadalasan aniya ay nagbabangayan.
Ang Duterte reforms na naaprubahan na noong nakaraang taon pa, ang Public Service Act, Retail Trade Liberation Act, Foreign Investments Act at iba pa ay puwede aniyang gamitin ng Pangulo para sa paglago ng ekonomiya.
Nariyan din ang tinuran ni Salceda na pinagsama-samang halos 20 percent GDP na imprastraktura na nangangailangan ng panahon para makumpleto.