BI, nagbabala tungkol sa mga sindikatong nagre-recruit ng kababaihang menor-de-edad

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga aktibidad ng mga sindikato na sangkot sa trafficking ng mga menor de edad at underage na kababaihan  para hikayating  magtrabaho abroad.

Inilabas ni BI Commissoner Jaime Morente ang babala matapos maharang at masagip ng mga opisyal ng  international airports sa Pampanga at Manila ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagprisinta ng pekeng travel documents para lumabas na matanda na at maaaring magtrabaho sa ibang bansa.

Inalok umano na magtrabaho  bilang  household helpers sa Saudi Arabia ang dalawang biktima mula sa katimugang bahagi ng bansa.

Isa ay pinangalanang si Ria na naharang sa Clark International Airport habang si alyas Lea naman ay nasagip sa Ninoy Aquino International Airport.

Naniniwala si Morente na pineke ang kaarawan ng mga biktima para maabot ang edad na kinakailangan  para sa domestic hepers na maaaring magtrabaho sa Saudi Arabia.

Kapwa itinurn-over na ang dalawa sa  Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kaukulang tulong at pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang mga recruiters.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.