Bagyong “Bising,” hahataw sa Catanduanes; NDRRMC naka-red alert

BAHAGYANG humina at bumagal ang bagyong Bising habang kumikilos sa Philippine Sea sa silangang bahagi ng Catanduanes.

Sa severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-4 ng hapon ngayong araw ng Linggo, huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyong Bising ang lakas ng hangin na 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 250 kilometro kada oras.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.

Nasa ilalim ng TCWS No. 1 ang silangang bahagi ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud); Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands; Biliran; Leyte; Southern Leyte; northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands; Dinagat Islands; Siargao Islands, at Bucas Grande Islands.

Ibinabala ng mga meteorologist ng PAGASA ang posibleng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol region na maaaring magdulot ng mga pagguho at flashfloods.

Under these conditions, flooding (including flash floods) and rain-induced landslides are likely to occur especially in areas identified in hazard maps as highly or very highly susceptible to these hazards,” ayon pa sa PAGASA.

Tropical cyclone winds of at least strong breeze to near gale in strength extend outward up to 440 km from the center of the typhoon. Destructive typhoon-force winds extend outward up to 110 km from the center of the typhoon,” dagdag ng abiso nito.

NDRRMC, naka-red alert na

ITINAAS na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa red alert ang puwersa nito bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyong Bising sa bansa.

Naka-red alert ang ating NDRRMC at mga regional disaster risk reduction and management council lalo na dito sa Eastern Visayas, Bicol Region, at saka Northern Luzon,” pagtitiyak ni NDRRMC executive director Undersecretary Ricardo Jalad.

Sinabi pa ni Jalad na naabisuhan na rin ang mga local government unit (LGU) upang ikasa ang mga paglilikas kung kakailanganin. 

Ayon kay Jalad, pinaghahandaan na rin nila ang “worst case scenario” sa bagyo bagamat nauna nang sinabi ng PAGASA na hindi tatama sa lupa o hindi magla-landfall ang bagyo.

Isa rin yan sa ating pinaghahandaan maaaring tumama sa atin o lumapit sa atin as a super typhoon level.” ani Jalad.

Tiniyak pa ng opisyal na humahanap na sila ng posibleng evacuation facilities upang matiyak na masusunod ang social distancing at minimum health standards ng mga ililikas na residente. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.