Balitang ikakansela ang 2022 elections, “fake news” — Comelec

Share this information:

TINULIGSA ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na “maling ulat” ang umano’y pagrerekomenda o pagsusulong na i-scrap ang 2022 elections.

Ito ay matapos na mag-viral sa social media kung saan si Commissioner Rowena Guanzon ang nagsusulong nito.

Commissioner Guanzon is NOT, repeat NOT, recommending that the 2022 National and Local Elections be scrapped,” ayon kay Jimenez.

This Adobo Chronicles report stating otherwise is obviously #fakenews #fightfake,” dagdag pa ni Jimenez.

Sinabi rin ni Jimenez sa kanyang tweet na siya ay suspetyoso sa pagtanggap ng satirical news.

In an environment where a significant segment of the public are unable to separate fact from fiction, I am leery of accepting the ‘satire card’,” wika ni Jimenez.

Nauna na ring pinalagan ni Jimenez  ang isa pang post na kumalat sa social media na sinasabing diniskwalipika ng Comelec si Vice President Leni Robredo mula sa presidential race.

VP Leni Robredo has not been disqualified. Video and articles that imply or suggest otherwise are #fakenews.  COMELEC’s reminders on prohibited sources of funding apply to all would-be candidates. #fightfake,” ayon pa kay Jimenez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lalaki, timbog sa pulis dahil sa marijuana

Wed Oct 20 , 2021
ARESTADO ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng marijuana na nasa mahigit dalawang kilo ang bigat at may  estimated street value na P354,000. Kinilala ng Manila Police District-Police Station 2 (MPD-PS 2) ang  suspek na si Judem Aleck Padilla, 27 anyos, binata at residente ng  358 C.M Recto Street Brgy 14, Tondo, […]
%d bloggers like this: