Lalaki, timbog sa pulis dahil sa marijuana

Share this information:

ARESTADO ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng marijuana na nasa mahigit dalawang kilo ang bigat at may  estimated street value na P354,000.

Kinilala ng Manila Police District-Police Station 2 (MPD-PS 2) ang  suspek na si Judem Aleck Padilla, 27 anyos, binata at residente ng  358 C.M Recto Street Brgy 14, Tondo, Manila.

Siya ay naaresto sa kahabaan ng Asuncion kanto ng Recto Street sa Tondo nang magsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Asuncion PCP.

Wala umano itong suot na facemask kaya sinita at kinapkapan pati ang bitbit na anim na kahon ay ininspeksyon kung saan natagpuan ang marijuana sa loob ng speaker.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang supplier ni Padilla ng marijuana.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Campaign urges more Filipinas to succeed despite the challenges

Wed Oct 20 , 2021
IT was a serious challenge to Filipino women for them to succeed regardless of the challenge and other adversities they face. Since its launch in 2019, the InLife Sheroes Movement continues to grow stronger and gets deeper into the hearts of Filipino women. During the InLife Sheroe’s #InAko campaign broadcast […]
%d bloggers like this: