Bagyong Odette, humagupit sa Visayas at Mindanao

Share this information:

APAT na ulit tumama sa kalupaan sa Visayas at Mindanao ang bagyong Odette habang napanatili naman nito ang kanyang lakas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), unang nag-landfall ang bagyo sa Siargao Island sa Surigao del Norte dakong ala-1:30 ng hapon.

Sinundan naman nito ang pagtama sa Dinagat Islands bandang alas-3:10 ng hapon at sa Liloan, Pangon Island sa Southern Leyte bandang alas-4:50 ng hapon.

Bandang alas-5:40 ng hapon nang tumama rin sa Padre Burgos sa Southern Leyte ang mata ng bagyo.

Sa ngayon, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 270 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Sa huling weather bulletin ng PAGASA, itinaas ang tropical cyclone wind signal 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng Leyte, Bohol, central at southern portion ng Cebu, central at southern portion ng Negros Oriental, central at southern portion ng Negros Occidental, Dinagat Islands sa Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands.

Samantala, nakataas naman ang Signal 3 sa Cagayancillo Islands, nalalabing bahagi ng southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu, nalalabing bahagi ng Negros Oriental, Siquijor, northern portion ng Negros Occidental, Guimaras, southern portion ng Iloilo, southern portion ng Antique, hilagang bahagi ng Agusan del Norte at northern portion ng Surigao del Sur.

Nakataas naman ang Signal 2 sa Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, mainlanad Palawan kasama ang Kalayaan, Balabac, Cuyo, at Calamian Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, nalalabing bahagi ng mga lalawigan ng Leyte, Cebu, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Surigao del Sur, Agusan del Sur, at Agusan del Norte, dulong hilagang bahagi ng mga lalawigan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, Misamis Occidental, northern portion ng Lanao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, northern portion ng Bukidnon, at northern portion ng Lanao del Sur.

Nakataas din ng signal 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, nalalabing bahagi ng mga lalawigan ng Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, northern portion ng Zamboanga del Norte, northern portion ng Zamboanga del Sur, at northern portion ng Zamboanga Sibugay.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang malakas hanggang sa matinding pagbuhos ng ulan sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao habang tumatawid ang bagyo patungong Palawan area sa direksiyon ng Sulu Sea.

Libu-libong residente, inilikas

HINDI naman bababa sa 90,000 indibidwal ang agarang inilikas na ng mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Odette.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) chief of 24/7 Operations Center Joe-Mar Perez, nasa 2,336 indibidwal o 867 pamilya ang inilikas sa Region 7; 17,165 indibidwal o 4,615 pamilya sa Region 8; 300 residente o 60 pamilya sa Region 10; at 78,290 indibidwal o 20,888 pamilya sa CARAGA.

Walang report sa measures na aabot sa forced evacuation. Nakatulong ‘yung early instructions natin sa mga regions natin,” ayon kay Perez.

May ilang regions nagko-commence na so ineexpect namin na tataas ‘yung number of preemptive evacuation reports,” dagdag nito.

Samantala, nawalan na rin ng signal ng telekomunikasyon at suplay ng kuryente sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette.

Maraming lugar din ang hindi na madaanan dahil sa malalim na pagbaha.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Comelec, ibinasura ang iba pang hiling hinggil sa unang petisyon laban kay Marcos

Thu Dec 16 , 2021
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division ang kahilingan ng mga petitioner hinggil sa unang petition for cancellation laban kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sa inilabas na order ng Comelec 2nd Division, hindi pinagbigyan ng poll body ang hiling ng mga petitioner na utusan […]
%d bloggers like this: