KINUMPIRMA Ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na kalat na sa Metro Manila ang UK at South African variants ng COVID-19.
Hindi aniya maitatanggi na nagdudulot na ito ng epekto sa pagkalat ng sakit sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Vergeire may mga lugar na natukoy ang UK variant, may mga lungsod na mayroong South African variant at may mga lugar na parehong variant ay naitala.
Gayunman giit pa rin ni Vergeire na malaking bagay pa rin ang pagsunod at hindi pgsunod ng publiko sa health protocols sa pagkalat ng virus infections.