Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ngayong taong 2021.
Sa tala ng kagawaran, umabot sa 2,921 ang bilang ng mga bagong kaso ngayong Pebrero 27 kaya’t ang kabuuan ng mga tinatamaan na ng sakit ay nasa 574,247 na.
Umakyat naman sa 524,865 ang mga recoveries matapos gumaling ang nasa 293 pang indibidwal, habang 42 naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi upang maging 12,289 na ang namamatay sa sakit.
Tumaas na rin ang bilang ng mga aktibong kaso o mga ginagamot pa sa mga quarantine facility na nasa 37,093.
Isang duplicate naman ang inalis sa total case count kung saan ito ay recovery.
Siyam na kaso pa ang nai-tag bilang recoveries ang reclassified bilang deaths matapos ang final validation ng DOH.
Samantala, anim na laboratoryo na nagsasagawa ng Covid-test ang bigong makapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Document Repository System o CDRS nitong Febrary 26.