NBI, gagawa ng full forensic investigation sa PDEA at PNP “misencounter”

Share this information:

TINIYAK ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang full forensic investigation at aabot sa 50 personnel ang tututok sa insidente ng “misencounter” sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD). 

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging NBI lang ang mag-iimbestiga  sa kaso at pinabuwag ang naunang binuo na joint panel ng PNP at PDEA.

Ayon kay Atty. Ferdinand Lavin, tagapagsalita  ng NBI, isasailalim sa autopsy ang labi ng mga nasawi sa engkwentro. 

Nauna nang nagsagawa ng forensic investigation ang NBI sa crime scene, nakakuha ng testimonya mula sa ilang testigo at binubusisi na rin ang mga CCTV footage. 

Nakatakda ring isailalim sa ballistic examination at lie detector test ang mga operatiba ng PDEA at QCPD. 

“Kailangan akma ang mga pahayag ng mga saksi sa mga physical evidence gaya ng kuha ng CCTV, mga na-recover na mobile gadgets. Ito ay magiging hamon,” ani Lavin. 

Samantala, sinusuri na rin ng NBI ang mga  cellphone ng mga operatiba upang magbigay-linaw kung sino ang mga target at sino ang may lehitimong operasyon. 

Tiniyak ng NBI na lahat ng anggulo ay sisiyasatin at itinuturing nila ito na isang priority case. 

Magugunitang lima ang nasawi at apat ang sugatan  matapos magkasagupa ang dalawang grupo ng operatiba na kapwa nagsasabi na lehitimo ang kani-kanilang buy-bust operation. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

AstraZeneca vaccines arriving on Monday

Sat Feb 27 , 2021
JUST when medical frontliners thought they’ve got no other option comes an announcement of a top Malacañang official who hinted at another vaccine delivery on Monday. In a statement, vaccine czar Sec. Carlito Galvez said that AstraZeneca vaccines from the COVAX Facility will be delivered a day after the much […]

Follow Us

%d bloggers like this: