Apat-na-taong gulang na bata, nasagasaan ng motorsiklo

crime scene do not cross

PATAY ang isang 4-anyos na bata nang masagasaan habang tumatawid sa kalsada matapos na maligo sa ilog sa Ternate, Cavite Huwebes ng hapon.

Isinugod sa tatlong ospital ospital ang bata at sa huli ay idineklarang dead on arrival sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital (GEAH) ang biktimang si  Jayson Cadizo ng Sitio Ophir, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng kulay orange na Honda Click na si Ricarte Densing, 53 anyos, ng   B-158 L-9 Package -5 Sun Shine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martirez City.

Sa ulat ni Pat Nykko Necessario ng Ternate Police Station, dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon ng naganap ang insidente kung saan galing sa paliligo sa ilog ang biktima at dalawa pang kasamahang bata nang tumawid ito sa kalsada na sakop ng Magnetic Road, Ternate-Nasugbu Road, Puerto Azul, Sabang Ternate, Cavite at nabangga ng minamanehong motorsiklo ni Densing.

Unang isinugod sa isang ospital sa Ternate subalit dahil sa kakulangan ng medical equipment ay inilipat sa Cavite Municipal Hospital sa Maragondon subalit muling inilipat sa GEAH sa Trece Martires City kung saan idineklarang dead on arrival ang biktima.

Galing na sa paligo sa ilog at pauwi na sila dapat, naunang tumawid ang dalawang kasamahan niya at humabol siyang tumawid kaya siya nasagasaan,” ayon kay Necessario.

Ayon pa kay Necessario, nakatingin si  Densing sa dalawang naunang batang tuawid at hindi niya akalain na tatawid din ang biktima.

Nabatid na mismong ang suspek ang tumulong upang madala sa ospital ang bata. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.