“Air purifier necklace,” hindi inirerekomendang proteksiyon kontra COVID-19

HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “air purifier necklace ” bilang proteksyon o para makaiwas sa impeksyon na dala ng COVID-19.

.Ito ang nilinaw ng DOH kasunod ng ulat  na inire-require ng Cebu provincial government sa mga PUV drivers at konduktor na magsuot o gumamit ng necklace purifiers.

Paliwanag ni Vergeire, sinabi na noon pang simula pa lamang ng pandemya na wala itong ebidensya ang bisa ng nasabing purifier.

Bagama’t hindi ito nagdudulot ng anumang peligro sa isang tao, sinabi ni Vergeire na hindi rin ito nakakapagbigay ng proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon pa kay Vergeire, baka lalo pa ngang magkaroon ng impeksyon dahil sa pagiging kampante sa pagsusuot ng necklace purifier.

Nakapagpalabas na rin ang Philippine COVID-19 Clinical Practice Guidelines ng kanilang rekomendasyon tungkol dito, dagdag pa ni Vergeire.

“It states that we recommend against the use of ionized air purifier to reduce COVID-19 transmission in the community,”  paliwanag ni Vergeire.

Ayon pa dito, ang national policies na kanilang in-adopt ay kung ano man ang rekomendasyon ng  grupo ng Philippine COVID-19 Clinical Practice Guidelines.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.