Road clearing operations, muling i-aarangkada

Share this information:

NAGLABAS na ng kautusan si Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano para muling iarangkada ang road clearing operations sa mga komunidad sa bansa.

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, batay sa Memordum Order 2020-145 ay muling ipatutupad ang road clearing simula sa Nobyembre 16 hanggang sa Enero 15 ng susunod na taon.

Ibig sabihin ay mayruong dalawang buwan ang local government units (LGUs) na muling linisin ang mga bangketa at kalsada mula sa ano mang obstruction o harang at ilegal na nakaparadang mga sasakyan o ilegal na istruktura.

Batay din sa kautusan, ang implementasyon ng road clearing ay nakadepende sa umiiral na community quarantine status ng bawat lugar.

Suspendido pa rin ang road clearing operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ habang partial implementation sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Inaasahan naman ang full implementation ng kampanya sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified GCQ at New Normal/Post Quarantine Scenario.

Samantala, may tinukoy din ang DILG na mga istruktura o sasakyan na maaaring ma-exempt sa pagpapatanggal o panghuhuli ng LGUs maliban na lang kung may matatawag na sa extraordinary circumtances.

Kabilang sa may exemptions ay ang mga nakaparadang ambulansya at public emergency vehicles, checkpoints ng LGUs, Inter-Agency Task Force, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines at ang temporary obstruction dahil sa inilatag na bicycle lanes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.