Isinangkot sa delivery ng male-maletang pera: Bucor Director Catapang nagsampa ng reklamo sa DOJ vs Baligod, 18 ex Marines

NAGHAIN ng mga reklamo kahapon si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa Department of Justice (DOJ) laban kay Atty. Levito Baligod at 18 dating sundalo kaugnay sa paghahatid ng kickbacks sa maanomalyang flood control projects.

Base sa reklamong paglabag sa Article 355 ng Revised Penal Code (Libel) kaugnay sa Republic Act 10175 (Cyberlibel), Article 183 ng RPC na inamyendahan ng RA 11594 (False testimony) at Perjury.

Nagsampa rin si Catapang ng disbarment case laban kay Baligod.

Ang reklamo ni Catapang ay nag-ugat sa ginanap na press conference kamakailan na pinangunahan ni Baligod na nagsasangkot sa kanyang pangalan.

Mariin niyang itinanggi ang mga akusasyon na bukod sa mali at mapanirang puri, may intesyon na sirain ang kanyang pagkatao, reputasyon at ilantad sa publiko.

“My conscience is clear,” ani Catapang. “My main role as Director General of the Bureau of Corrections is to follow the law as set by the Bureau of Corrections Act of 2013.”

Sinabi niya na dapat ay huwag magpaapekto sa mga naratibong pulitikal ang layunin, na mas gumagawa ng ingay kaysa maghanap ng katotohanan.

“True justice must arise from due process, not from the sensationalism of trial by publicity,” sabi ni Catapang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.