Tensyon sa Middle East: 33 OFWs mula gitnang silangan bumalik ng bansa

(In photo: Sinalubong nina DMW Sec. Hans Leo J. Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne (PY) Caunan at DSWD ang mga 33 OFWs na umuwi na sa bansa mula sa Abu Dhabi.)

Ligtas na nakauwi ng bansa sakay ng Emirates Flight EK334 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang unang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) repatriated mula sa Abu Dhabi

Sa pamamagitan ng joint efforts ng Department of Migrants Workers (DMW),Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, matagumpay ang pagpapauwi sa 33 OFWs sa gitna ng patuloy na tensyon sa gitnang silangan.

Kabilang sa mga dumating ang isang OFW na nasugatan matapos tamaan ng debris mula sa isang intercepted missile sa kasagsagan ng kasalukuyang tensyon sa rehiyon.

Sinalubong at inasikaso ng DMW, OWWA, at Department of Social Workers & Development (DSWD), ang mga OFWs pagdating sa bansa upang matiyak ang kanilang kaligtasan at agarang mabigyan ng kinakailangang tulong.

Sa ilalim ng Repatriation Assistance, patuloy na ibinibigay ang mga serbisyo tulad ng airport assistance, pagkain, transportasyon,pansamantalang tirahan, psychosocial counseling, at medical assistance upang matulungan ang mga Kababayan sa kanilang muling pagsisimula pagbalik sa Pilipinas.

Sinalubong nina DMW Sec. Hans Leo J. Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne (PY) Caunan at DSWD ang mga 33 OFWs na umuwi na sa bansa mula sa Abu Dhabi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.