OFW arestado sa tangkang pagpuslit ng Cocaine sa NAIA

ARESTADO ang 30 taong-gulang na babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Dumating mula sa Sao Paulo, Brazil, na may connecting flight patungong Doha, Qatar ng alas 7:20 ng gabi noong Huwebes ang suspek na babae isang domestic helper mula sa Sao Paulo, Brazil, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isinagawang inspeksyon sa itim na bagahe ng OFW isang nakatagong compartment kung saan natagpuan ng mga otoridad ang humigit-kumulang 8.19 kilo ng puting pulbos na hinihinalang  cocaine.

Nakuha din ang mga ebidensyang hinggil sa droga, kabilang ang isang Philippine passport, dalawang boarding pass, at isang backpack na naglalaman ng passbook, dalawang cellular phone, iba’t ibang foreign currency, identification card, bank card, at mga dokumento ng kargamento.

Ibinigay na sa PDEA Laboratory Service  ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri at proper disposition.

Ikinasa ang paghuli sa pakikipagtulungan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, na binubuo ng PDEA, Bureau of Customs–Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group (DEG), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immigration.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.