PCG, magsasagawa ng “environmental damage assessment” dahil sa sumadsad na barkong Tsino

SINABI ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsasagawa ito ng “environmental damage assessment” dahil sa pagsadsad ng isang Chinese militia vessel sa Pagasa Reef 1.

Kinumpirma ito ni West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na kasama ng ahensya sa pagsasagawa sa nasabing assessment ang iba pang concerned agencies para matukoy ang epekto ng insidente sa yamang dagat ng Pilipinas.

Namataan noong Sabado ng PCG ang Chinese maritime militia vesesl na may bow number 16838 na sumadsad sa Pagasa Reef 1 na isang milya ang layo mula sa Pagasa Island.

Pinaniniwalaang natangay sa mababaw na bahagi ang barko dahil na rin sa sama ng panahon.

Ayon sa PCG, hindi tumugon ang Chinese vessel na di-umano ay hinila ng dalawa pang barko ng China palayo sa pinagsadsarang bahura.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.