Teves, dadalo sa pagbasa ng sakdal para sa “Degamo slay” bukas

KINUMPIRMA ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. na dadalo ito bukas sa nakatakdang panibagong pagbasa ng sakdal o “arraignment” na kinakaharap ng dating mambabatas sa Manila Regional Trial Court Branch 51.

Ngunit nilinaw ni Topacio na hindi pisikal ang pagharap ni Teves kundi sa pamamagitan lamang ng “teleconferencing.”

Ang mga abogado lamang ni Teves ang siyang personal na tutungo sa korte para sa nakatakdang pagbasa ng sakdal nito.

Ayon kay Topacio, ang pagbasa ng sakdal laban sa kanyang kliyente ay gaganapin alas-dos ng hapon bukas, Hunyo 10.

May kaugnayan sa “Degamo slay case” ang kasong kakaharapin ni Teves sa nasabing korte kung saan siya ang itinuturong “mastermind” sa likod ng madugong pagpatay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.