Pulis sinaksak sa ulo ng lalaking nag amok sa Parañaque City

NAGTAMO ng saksak sa ulo at dibdib ang isang pulis Parañaque nang magresponde sa matapang at pasaway na lalaki sa isang barangay nitong Biyernes.

Ang pulis na si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5), ay nasaksak sa kanyang pagresponde sa isang suspek na naghuhuramentadong na si alyas “Arnold”, nakatira sa Creek Drive 2, Barangay San Antonio, Parañaque.

Nangyari ang insidente nitong alas 10:45 ng umaga ng Mayo 23, 20 sa Creek Drive 1, Valley 8.

Rumesponde si Navarro at isa pang pulis sa tawag ng concerned citizen na agresibong naghahamon ng away habang may hawak na patalim na nagdudulot ng tensyon sa lugar.

Sa pagresponde kasama ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) nang lalo pang naging agresibo ang suspek at hawak ang patalim na umatake sa pulis na si Navarro kaya pinigilan niya ang suspek subalit sinaksak siya sa ulo at dibdib.

Kahit may mga tama ang pulis na si Navarro nagawa pa nitong makontrol ang suspek at mga kasamahan nito.

Sa ngayon nakakulong na ang suspek na nakatakdang sampahan ng reklamo.

Pinuri naman ni Southern Police District Acting Director PBGEN Joseph Arguelles ang katapangan ng pulis na si Navarro.

“PSSg Navarro embodies the highest ideals of service and sacrifice. He did not hesitate to put his life on the line to protect the community. His courage is both heroic and humbling,” ayon kay Arguelles.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.