Koreanong pugante na nagtatago sa bansa nasakote ng NBI, BI-FSU sa Pasay City

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang puganteng Koreano na nagtatago sa bansa ng walong taon nitong araw ng Huwebes (Mayo 22) sa Pasay City

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, naging matagumpay ang paghuli sa puganteng si Jang Seong Woong, na may warrant of arrest mula sa Daegu District Court sa kasong Kidnapping at Serious Physical Injury, batay sa Interpol Red Notice.

Sa natanggap na komunikasyon at request mula sa Consul ng Embassy of the Republic of Korea ng  Bureau of Immigration, sangkot si Woong sa pagkulong sa isang lalaking may utang sa sugal at pinagpapalo nila ng baseball bat.

Noong nakalipas na taong 2017 ng Mayo dumating sa bansa (Pilipinas) si Woong bilang turista at tuluyan nang nagtago kaya nasali ang pangalan sa blacklist order.

Naaresto siya sa operasyon ng NBI-Transnational Crime Division, katuwang ang BI-Fugitive Search Unit sa pakikipagtulungan ng Korean National Police Agency (KNPA) at Philippine Air Force Military Intelligence.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.