Nagpanggap na recruiter ng mga aplikante para makapasok sa PCG, timbog

ISANG lalaki ang inaresto matapos itong mabisto ng ilegal na pagre-recruit ng mga aplikante na gustong pumasok sa Philippine Coast Guard (PCG) kapalit ng pera.

Ayon sa PCG, ikinasa nito ang isang entrapment operation sa Sampaloc, Maynila nitong Mayo 22 ng hapon laban sa suspek na inireklamo ng tatlong aplikante ng PCG.

Ang suspek na kinilala bilang si Morris Javier Ladjaanang at dati umanong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency, ay nahaharap sa mga kasong “qualified estafa” at “usurption of authority.”

Pinangakuan umano ni Ladjaanang ang mga aplikante na siguradong makakapasok sa organisasyon kapalit ng P350,000 kada aplikante.

Alinsunod sa direktiba ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, nagpapatuloy ang masusing koordinasyon ng PCG sa Philippine National Police tungo sa pagtataguyod ng malinis at maayos na “nationwide recruitment process” ng organisasyon. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.