INALIS na ng Korte Supreme ang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapatigil sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na programa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay upang bigyang-daan ang nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA na sisimulan sa Hunyo 13.
“The Supreme Court granted the urgent motion filed by the Office of the Solicitor General, on behalf of the MMDA, partially lifting the TRO it issued last August 30, 2022, insofar as enjoined the MMDA from implementing MMDA Resolution No. 16-01, or its No Contact Apprehension Policy,” ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting.
Sinabi ni Atty. Ting na ang TRO ay ipatutupad lamang ng MMDA sa mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA at C5.
“The TRO here is only lifted with respect to the MMDA but it still remains with respect to the LGU ordinances,” ani Ting.
Maguguitang inilabas ng SC ang TRO sa NCAP noong Agosto 2022 matapos maghain ng reklamo o petisyon si Atty. Juman Paa.
Saklaw ng TRO na pigilan ang pagpapatupad ng NCAP sa mga lungsod n g Maynila, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, at Parañaque.
Kinuwestiyon din ang paniningil ng multa sa may-ari ng sasakyan kahit hindi siya ang nagmamaneho sa oras ng paglabag.
Ayon naman sa MMDA, ito’y makatutulong para hindi lalong bumigat ang trapiko sa EDSA habang may isinasagawang rehabilitasyon.

