Roque, hindi maaaring hulihin ng Interpol — DOJ

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring arestuhin ng Interpol si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, na nananatili ngayon sa The Netherlands.

Paliwanag ni DOJ Chief State Counsel, Dennis Arvin Chan, hindi maaaring arestuhin sa nasabing bansa si Atty. Roque habang may nakabinbin itong Petition for Asylum o hanggang hindi pa iyon nareresolba.

Si Roque ay lumipad sa The Netherlands matapos siyang maisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga Regional Trial Court, Branch 118 para sa kasong qualified human trafficking, dahil sa operasyon ng POGO o scam hub sa Porac, Pampanga.

Kung patuloy naman na magtatago si Roque, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na ilalagay muna ng hukuman sa archive ang warrant pero buhay pa rin ang kaso

At kung hindi magsusumite ng counter affidavit si Roque sa Pilipinas ay ire-resolba ng mga prosecutor ang kaso at ibabatay ito sa nakahaing reklamo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.