OCTA Research, inilabas na ang resulta ng pre-election survey sa Maynila

INILABAS na ng OCTA Research ang resulta ng kanilang isinagawang pre-election survey na may kinalaman sa mayoralty race sa lungsod ng Maynila.

Base sa survey na nagsimula noong Marso 2 at kung saan ang resulta ay inilabas noong Marso 28, 2025, si dating Mayor Francisco Domagoso (Isko Moreno) ang nanguna na may 67-percent preference. Sinundan ito ni Rep. Sam Versoza na may 16 percent at incumbent mayor Honey Lacuna na may 15 percent lamang.

Nangunguna rin ang dating alkalde ng Maynila sa anim na distrito ng lungsod, ayon pa din sa OCTA Research. 

Sinabi na ni Domagoso na hindi siya mag-aaksaya ng panahon para linisin ulit ang Maynila at aalisin ang di-umano ay “kadugyutan” sa lungsod.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang kanyang vice mayoral candidate na si Chi Atienza.

“Makakaasa kayo na para maging isang mabisang bise-alkalde, susuportahan ko nang buong-buo si Yorme Isko Moreno Domagoso,” ayon kay Atienza.

Si Domagoso ay lumagda din sa isang manifesto para sa malinis na halalan, na nangangako ng isang patas at tapat na kampanya. 

Ayon naman kay FEJODAP President Rodelio Sotto, ang pagbabalik ni Domagoso ay posibleng tugon sa lumalaking alalahanin tungkol sa kaguluhan, pati na ang kakulangan ng mga pangunahing serbisyo sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.