NAHAHARAP sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to Section 5(b) of Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang isang ama ng tahanan nang ireklamo ng kuya ng panghahalay sa kanyang tatlong menor de edad na kapatid na babae.
Arestado sa Rape ng 3 Menor De Edad ang suspek na nagsimula noong 2022 ang panghahalay ng kanilang ama, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.
Sa direktiba ni NBI Director Jimmy Santiago, iniharap ni Deputy Director Ferdinand Lavin sa media ang suspek na inaresto noong Marso 11, 2025 sa Baclaran, Paranaque City.
Buwan ng Marso 6, 2025 nang maghain ng reklamo ang mga menor de edad na babaeng anak ng suspek hinggil sa pangmomolestiya ng sekswal ng ama sa kanilang tatlo.
Paulit-ulit na panghahalay at lagi silang pinagbantaan ng ama na may masamang mangyayari sa kanila kung ipagsasabi ang nangyayari.
Nagawa pa nilang magsumbong sa ina ngunit sinabihan silang gumagawa ng kwento at kumampi pa sa kanilang ama.
Marso 10, 2025 nang maghain ng sinumpaang salaysay ang kuya ng mga biktima at ipinakita sa NBI ang mga text message ng ama ng pananakot at pagbabantang papatayin silang magkakapatid dahil sa pagsumbong sa NBI.
Dali dali namang inaksyunan ng NBI at sa hot pursuit operation ay pinuntahan ang suspek na pumalag pa sa pag-aresto at wala na itong nagawa pa kundi sumama sa mga operatiba ng NBI.

