Humahabol na sa survey si Manila Mayor Honey Lacuna kay dating Mnaila Mayor Isko Moreno-Domagoso, ayon sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila base sa isinagawang bagong mayoralty survey sa lungsod.
Si Domagoso ay nakakuha umano ng 46% habang nasa 31% naman si Dra.Honey at nasa ikatlo naman si sam Versoza na nakakuha ng 15% at nasa 8% naman ang undecided, base sa inilabas na survey ng HKPH Public Opinion and Research, sa pakikipagtulungan ng Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong.
Ang pagpapabuti ng mga nasabing numero ay nangangahulugan ng tunay na balita ng mga nagawa ni Mayor Lacuna , ayon kay Atty.Princess Abante ng Pubic Information Chief.
“Domagoso is beatable. His lead has shrunk and can continue to shrink. We expect more survey gains when likely Manila voters are polled after the Rent-To-Own era ushered in by the Pedro Gil Residences and San Sebastian Residences in the second week of January 2025,” paliwanag ni Abante.
“We are bursting the empty accomplishments balloon filled by Domagoso’s ego, troll farms, and ignorant basher brigade,” dagdag pa nito.
Unang naglabas ng resulta sa isinagawang 2025 Manila Mayoralty Preferences Survey ang PhilData Trends nitong unang linggo ng Enero.
Sa nasabing survey, malaki ang pagitan ng bilang na nakuha ni Domagoso kumpara sa kanyang katunggali kung saan nakakuha ito ng 72.1% habang pumangalawa naman si Sam SV Versoza (13.5%), sumunod ay si Dra. Honey Lacuna (12.3%), at Raymond Bagatsing (1.4%).
Sa survey, nasa 800 respondents ang nakilahok na may margin of error na ±5% sa 95% confidence level, na sumasalamin sa mga kagustuhan ng voting population sa lungsod ng Maynila.
Naglabas din ng mayoralty survey ang kilalang survey firm na OCTA research nitong huling quarter ng nagdaang taon kung saan nanguna din dito si dating Mayor Isko Moreno na nakakuha ng nakakalulang numero na 74%, pumangalawa si Sam Versoza na nakakuha ng 15%, sumunod si Lacuna na nakakuha lang ng 9%.
Maging ang pinakahuling resulta sa isinagawang survey ng SWS na isinagawa noong buwan ng Oktubre 2024 ay nanguna din si Domagoso na nakakuha ng 70%, sinundan ni Versoza na nakakuha ng 17% habang nakakuha naman ng 11% si Lacuna.

