ISANG disbarment complaint ang inihain ngayong araw sa Korte Suprema laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang reklamo ay inihain ng mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings of “EJK” na sinasabing naganap noong administrasyon ng dating pangulo. lNaghain ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK sa tanggapan ng Korte Suprema ,Enero 17.
Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, walang karapatan at hindi karapat-dapat na maging abogado ang dating pangulo.
Sinabi ng abogado ng mga pamilya na si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng mga peace consultant na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiling nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan sa hustisya.
Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuin niya ang ‘full responsibility” sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group at sinabing ang bilang ay umabot sa mahigit 30,000 dahil marami sa mga napatay ay maaaring hindi naiulat sa mga awtoridad.

