MAS pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kampanya nito laban sa mapaminsalang dengue upang maiwasan na tumaas pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod.
Namahagi rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga Larvicide sa iba’t-ibang barangay, bukod pa sa pag-udyok sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang kanilang kabahayan at kapaligiran.
Ilan lamang sa mga lugar na may naitatalang mga kaso ng dengue ay ang Brgy. 704, 715, 719, at 720.
Ang lungsod ng Maynila ay isa sa mga siyufad na itinuturing nang nasa epidemic level ang bilang ng mga kaso ng dengue, tulad din ng Pateros, Quezon City at Marikina.
Kalimitan din umanong tinatamaan ng dengue ay ang mga batang nasa edad lima hanggang siyan na taong gulang kung kaya’t patuloy ang paalala ng lungsod sa mga residente ng mag-doble ingat at palagiang maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.

