Biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa ilang lugar sa Bicol, suspendido dulot ng bagyong “Leon”

SUSPENDIDO na ang biyahe ng anumang uri ng sasakyang-pandagat sa ilang lugar sa Bicol region kaugnay ng bagyong “Leon”.

Batay sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), naglabas ng kanya-kanyang anunsyo ang coast guard station sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon, at pinagbabawalan na maglayag ang mga sasakyang-pandagat mula kahapon ng hapon dahil sa pagtataas ng babala ng bagyo ng Pagasa.

Kasama sa mga walang biyahe ay ang Prieto Diaz, Sorsogon City at Gubat sa Sorsogon

Gayundin ang Caramoan, Presentacion, Goa,Tinambac Calabanga at iba pa sa Camarines Sur

Ang pinapayagan lamang ay ang paglalayag ng mga sasakyan pandagat na patungo sa sheltering areas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.