Mayor Vico Sotto, naghain ng disqualification case vs Discaya

PINADIDISKWALIPIKA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang katunggali sa darating na 2025 national and local elections na si Sarah Rowena Discaya

Ito ay makaraang maghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) si Sotto laban sa negosyanteng si Discaya dahil sa  umanoy pagkakaroon nito ng koneksyon sa Joint Venture Company ng Miru System Company Limited. 

Ang Miru System Company Limited ang siyang technology provider ng Comelec para sa 2025 Midterm election. 

Si Discaya ,ayon kay Sotto ang may-ari ng  St. Gerard Construction Company na may koneksyon sa St. Timothy, ang financial partner ng Miru System Company Limited. 

Malakas umano ang hawak niyang mga ebidensya na magpapatunay na konektado si Discaya sa Miru System kung kayat dapat lamang itong ma-disqualify sa pagiging kandidatong alkalde ng Pasig City

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.