Tatlong miyembro ng PCG, nasugatan sa insidente ng pagsabog sa Zamboanga City

TATLONG miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iniulat na nasugatan sa isang insidente ng pagsabog na nangyari sa Zone 2, Barangay Cabatangan, Zamboanga City, nitong Lunes.

Isang PCG enlisted personnel na may ranggong Petty Officer Third Class (PO3) ang malubhang nasugatan, habang dalawang tauhan naman na may ranggong PO3 at Seaman First Class (SN1) ang nagtamo ng minor injuries.

Umabot na sa kabuuang 19 ang naging biktima ng pagsabog matapos maiulat na anim pang mga biktima mula sa Philippine National Police (PNP) at tig-lima naman mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Marines (PM) ang nasugatan din sa insidente.

Naganap ang insidente sa ginawang pagtatapon ng mga nakumpiskang paputok sa Barangay Tetuan noong Hunyo 29, 2024. 

Binigyang-diin naman sa ulat ng PNP na “premature detonation” ang naging dahilan ng ikinasugat ng lima sa 19 na apektadong uniformed personnel na bahagi ng joint operation. 

Agad namang dinala ang mga biktima sa mga kalapit na ospital para malapatan ng lunas medikal. 

Patuloy pa ring sinusuri ng mga imbestigador ang kabuuang pinsala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.