Isa pang akusado sa “serious illegal detention complaint” ni Vhong Navarro, sumuko na sa NBI

SUMUKO na din sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kapwa akusado ni Cedric Lee na si Ferdinand Guerrero sa kasong inihain ni TV host at aktor na si Vhong Navarro.

Sa inisyal na ulat, pasado ala-una ngayong hapon nang personal na sinundo ni NBI Director Menardo de Lemos ang negosyanteng si Guerrero sa isang gusali sa Makati City.

Umaasa naman ang akusado na uusad ng maayos ang proseso ng kasong kanilang kinakaharap.

Ayon naman sa kanyang legal counsel, maghahain sila ng iba’t-ibang mosyon lalo ngayong may kinakaharap na kondisyon sa kanyang kalusugan si Guerrero at kasalukuyang sumasailalim sa medication.

Nakatutok naman ang medical staff ng NBI habang siya ay sumasailalim sa medical procedures upang makita ang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Inaasahan ding sasailalim na sa mugshot, fingerprint at documentation ng NBI si Guerrero.

Siya ay kapwa akusado ni Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang respondents kaugnay sa serious illegal detention complaint na inihain ng TV host/ actor na si Vhong Navarro. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.